Bassilyo fliptop biography of donald

Meet Bassilyo, the rapper behind "Lord Patawad"

×

News Local News

Bassilyo says the song "Lord Patawad" is based on his own personal experiences. 

Sumikat nang husto si Bassilyo (na ang tunay na pangalan ay Lordivino Ignacio) dahil sa kantang "Lord Patawad" na umani ng mahigit 12 million views sa YouTube ang music video nito.

Ang "Lord Patawad" ay bahagi ng album niyang Klasik na released under MCA Music.

Bago naging kilalang rapper si Bassilyo ay naging miyembro muna siya ng rap group na Crazy as Pinoy noong 1990s na naging champion sa Rap-public of the Philippines contest sa Eat Bulaga noong 2002.

Noong 2012, sumali siya sa FLIPTOP at naging isang hit. Sumali rin siya sa Homegrown hip-hop compilation album na itinuturing na one of the best na nai-release sa bansa.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bassilyo para sa presscon ng kanyang album na Klasik ay ipinagmalalaki niya ang kantang "Lord Patawad" dahil sa spiritual connotation nito.

Bungad niya, "May part lang pero hindi pa natin totally matatawag natin na may calling.

"Hindi pa ganun pero malapit na dun, e.

"Kaya lang siyempre, bilang tao, yung mga nakasanayan natin, yung pagbabago, 'di natin mabibigla 'yan.

"Unti-unti para mas magiging kapaki-pakinabang sa ibang tao."

Lordivino Ignacio ang tunay na pangalan niya pero bakit Bassilyo ang ginamit niyang stage name?

Kuwento naman niya, "Inano ko yung sa grupong Crazy as Pinoy tapos yung isa, Crispin at Basilyo kasi madali siyang matandaan.

"Tapos yung mga kanta kasi namin tungkol sa mga kabaliwan sa pag-ibig-reaity check din.

"Sobrang lungkot, sobrang saya.

"Tapos, yung mga kanta namin may fantasy na love song-hindi tipikal na love song."

Ano naman ang karanasan niya sa buhay para maisulat niya ang ganitong klaseng kanta at sino ang naging inspirasyon niya habang ginagawa niya ito?

Ayon kay Bassilyo, "Ikinuwento ko lang dun kung ano ang mga pagkakamaling nagawa ko noon.

"Tapos, yung 90% nung sa ‘Lord Patawad’ ay galing sa totoong buhay ko at yung 10% ay sa kapaligiran ko, yung mga nakikita ko.

"Na wala akong inisip noon kung sisikat pa siya o hindi.

"Basta ikinuwento ko lang kung ano ang nangyari sa akin-nagkaroon, nawala, sumadsad, bumagsak.

"Basta 'pag sobrang busy ka na rin, nakakalimutan mo na ang magpasalamat o humingi nang tawad."

Para sa kanya, ang pagra-rap daw ay isang bagay na natututunan at hindi basta minana sa mga magulang ko kanino pa man.

Sabi niya, "Yung pagra-rap ay natututunan pero sa akin yung pagsusulat ay inborn siya, e.

"Sa angkan namin, wala namang manunulat, wala ring kumakanta.

"Sa tingin ko, gift yun sa akin ni Lord.

"Kahit sino ay puwedeng mag-rap pero hindi lahat naman ay kaya niyang mag-rap kasi , 'di ba, yung iba naman ay bulol o yung iba ay may 'F’ and ‘V' deficiency.

"Hindi lahat puwedeng mag-rap pero matututunan yun."

Sa tingin ba niya ay mas competitive ang rap genre ngayon?

Nandiyan din kasi si Gloc 9 pati na ang sumisikat na ring si Abra.

"Ako, may pagka-competitive din kasi ako," nangingiting pag-amin niya. "Kasi, 'di ba, may mga rapper na sumisikat na sila lang sa time na yun?

"Sa akin naman, sa rami ng mga rapper na nandiyan--mga kilala o sikat, ako naman, nakilala ako sa kun ano ang ginawa ko.

"Mahirap yun kasi, andiyan, e, ang gagaling, e, pero ipinagsasalamat ko rin sa tao na ginusto rin nila ako."

Aminado si Bassilyo na malaki ang impluwensiya sa kanya ng tinaguriang "Master Rapper," ang yumaong si Francis Magalona.

"Opo, malaki ang naituro niya sa akin kung paano ang gunawa.

"Tula muna ang simula bago maging rap-tula bago mo lagyan ng melody.

"Pati yung content ng isang kanta, yung tinatawag ng mga rapper na word flair reference, siya ang nagturo sa akin noon."

Sa puntong ito ay binalikan niya ang kanyang karanasan lalo na sa panahong nagsisimula pa lang siya blang isang rapper.

Aniya, "Tumutugtog kami sa bars, sa piyestahan pero bago pa mangyari yun, siyempre, dahil matagal na nga akong nagra-rap, inabutan ko pa yung tape--yung cassette tape.

"Suwerte nga yung mga rapper ngayon kasi meron na silang nad-download na beat sa internet. Kami talaga noon, mano-mano kahit pa yun recording.

"Tapos kahit may event na diyan, kami pa ang magbabayad o hihingi kami ng ticket sa organizer. Halimbawa, ten pieces o fifty pieces, ibebenta namin yun para lang makapag-perform kami.

"Doon kami nagsimula tapos paunti-unti magre-record na kami nang paisa-isa tapos sinasali namin 'yan sa mga rap contest sa mga bara-barangay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next

Post a Comment

Trending in Summit Media Network

  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.

  • 50%

  • ph. Find out more here.